SC PIO Chief Atty. Brian Keith Hosaka, mananatiling tagapagsalita ng Korte Suprema

Si Atty. Brian Keith Hosaka pa rin ang hepe ng Supreme Court Public Information Office (SC PIO) at tagapagsalita ng Kataas- taasang Hukuman.

Ayon kay Hosaka, isang karangalan na payagan siya ni Chief Justice Alexander Gesmundo na manatili bilang spokesperson at SC PIO Chief.

Anya si Gesmundo na ang ikatlong punong mahistrado na kanyang makakatrabaho bilang SC spokesman.

Si Hosaka ay una nang itinalaga bilang tagapagsalita ng Korte Suprema noong 2019 ni retired Chief Justice Lucas Bersamin.

Sinabi ng opisyal na sabik siya sa kanyang pagpapatuloy bilang hepe ng SC PIO dahil hindi lamang may ‘brilliant legal mind’ si Gesmundo kundi ito ay mabuti, mababang-loob at consultative.

Inihayag pa ni Hosaka na alam niyang magiging ‘decisive servant leader’ si Gesmundo at ang pinakamabuti lamang ang hangad ng bagong punong mahistrado para sa hudikatura.

Moira Encina

Please follow and like us: