Sec. Aguirre binalewala lang ang kasong isinampa sa kanya ni Sen. de Lima sa Ombudsman

Binalewala lang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang isinampang reklamo laban sa kanya ni Senador Leila de Lima sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Aguirre, walang basehan ang reklamong gross negligence at incompetence na isinampa laban sa kanya ng Senadora.

Iginiit ng kalihim na handa niyang harapin ang kaso laban sa kanya dahil noon pa man ay transparent siya.

Pinayuhan naman ni Aguirre si de Lima na ituon na lamang nito ang atensyon kung papaano maipapanalo ang kaso laban dito na illegal drug trading.

Nais ni de Lima na matanggal sa pwesto si Aguirre dahil  sa kabiguan nito na  imbestigahan ang Extra Judicial Killings, ang bribery scandal sa Bureau of Immigration at ang pamemeke ng ebidensya laban sa kanya.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *