Sec. Aguirre, nagbibiro lang sa naging pahayag sa Pro-Duterte rally

 

aguirre (1)

Nilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na biro lamang ang kanyang pahayag sa Pro-Duterte rally sa Luneta kaugnay sa kung sino ang gusto nilang sumunod na ipakulong.

Sinabi ni Aguirre na ang mga political rally ay parang entertainment shows.

Ayon pa sa kalihim, tila walang sense of humor ang mga kritiko niya

Tinanong ni Aguirre ang supporters ng administrasyon kung sino ang nais nilang makulong na sunod na kritiko ng Pangulo isang araw matapos mabilanggo si Senadora Leila de Lima kung saan isinigaw naman ng mga raliyista ang pangalan ni Senador Antonio Trillanes IV.

Umani ng batikos mula sa mga Senador partikular kay Senadora Grace Poe ang pahayag ni Aguirre.

Pero iginagalang ni Aguirre ang opinyon ni Poe kaugnay sa kanyang kontrobersyal na pahayag.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us: