Sec. Aguirre nagmistulang clown sa pagbawi ng alegasyon na nagdadawit sa oposisyon sa Marawi siege – Sen. de Lima

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Nagmistula umanong clown at nagpapatawa sa isang circus si Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos idawit ang mga taga oposisyon sa nangyaring Marawi siege at kalaunan ay binawi rin nito ang kaniyang alegasyon.

Tinawag rin ni Senadora Leila de Lima na stupid si Aguirre dahil sa pagsasapubliko ng mga delikadong impormasyon gayong wala pala itong sapat na ebidensya.

Ayon kay de Lima, nakakahiya ang ginagawa ng kalihim na inilalagay sa balag ng alanganin ang Pangulo sa isyu ng pag-atake ng mga terorista at kasabwat umano ang oposisyon.

Paalala ni de Lima, si Aguirre ang alter ego ng Pangulo at dapat itong maging maingat sa paglalabas ng anumang impormasyon.

Kinastigo ni de Lima ang kalihim dahil hindi ito ang unang pagkakataon na binawi ni Aguirre ang kaniyang pahayag.

Sa imbestigasyon noon ng Senado sa isyu ng suhulan sa mga opisyal ng Bureau of Immigration, idinawit na rin ni Aguirre sina de Lima at Senador Francis Pangilinan na kalaunan ay binawi rin nito.

Sabi ng Senadora, tila nais palakihin ni Aguirre ang isyu ng terorismo at idinadawit ang oposisyon para lumikha ng matinding takot sa publiko.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *