SEC iniutos ang pagsasara ng pitong online lending operators

Ipinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pitong online lending operators dahil sa kawalan ng lisensya.

Ang mga ito ay ang PesoBee, Peso T-Safe Online Cash, RushLoan, SkyMart, SpendCash, Tapa, at WithU.

Ayon sa kautusan ng SEC, agad na ipinahihinto sa pito ang operasyon nito hanggang sa makakakuha ng otorisasyon mula sa SEC.

Ipinagutos din sa mga kinatawan at may-ari ng mga kumpanya at operators ng hosting sites ng lending firms na ihinto ang advertisement ng lending business sa internet at iba pang media.

Nabatid ng SEC na hindi rehistrado bilang korporasyon ang mga online lending groups at walang sertipikasyon para mag-operate bilang lending o financing companies.

Moira Encina

Please follow and like us: