Secretary Aguirre kinastigo ng mga Senador dahil sa pagmimistulang barker sa perya

poe

Kinastigo ng mga Senador si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos tila makipag bargain sa publiko kung sino ang nais nilang isunod na ipakulong matapos ni Senadora Leila de Lima.

Pinaalalahanan ni Senadora Grace Poe si Aguirre na bilang tagapagpatupad ng batas, dapat itong maging patas sinuman ang inaaakusahan at hindi tulad ng isang barker sa perya na tila nag uudyok pa sa publiko.

Sabi pa ni Poe lumilitaw sa mga pahayag ni Aguirre na ginagamit pa ang taumbayan sa paghatol sa mga inaakusahang opisyal sa halip na ibatay sa mga ebidensya.

May sinusunod aniyang proseso ng batas ang DOJ kung sino ang mga dapat i prosecute at hindi kung sino ang ididikta sa kanya ng taumbayan.

Hindi rin katanggap tanggap para kay Senadora Poe kung idadahilan ni Aguirre na nadala siya sa cheering o isinisigaw ng Duterte supporters dahil bilang Justice Secretary ay hindi dapat ito nagpapaimpluwensya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us: