Seguridad ni Sen. De Lima kapag inaaresto na, pinag-usapan ng mga Senador sa Caucus

 

 

 

delimanew

Pinag-uusapan na rin ng mga senador ang magiging seguridad ni
Senator Leila de Lima sakaling matuloy na ang pagpaaresto sa kaniya.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, tinalakay na nila sa
ipinatawag na caucus ang kaligtasan ni de Lima.

Sa harap ito ng inaasahang paglalabas ng warrant of arrest laban kay de Lima matapos mai-raffle ang kaniyang kaso sa Muntinlupa RTC.

Pagtiyak ni Pimentel, iginagalang nila ang pagiging independent ng
hudikatura pero hindi rin  nila papayagan na maaresto si de Lima sa loob ng session hall o premises ng Senado bilang pagrespeto sa institusyon.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: