Seguridad para sa pagdiriwang ng 119th Independence Day sa Maynila, kasado na – MPD

Courtesy of Wikipedia.org

Kasado na ang inilatag na seguridad ng Manila Police District para sa pagdiriwang ng ika-isangdaan at labing siyam na anibersaryo ng araw ng kalayaan.

Ayon kayMPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, mahigit  isang libo at animnaraang (1,600) mga pulis ang kanilang ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng pagdiriwang simula Hunyo 9 hanggang Lunes, Hunyo 12.

Kaugnay nito nagpalabas na rin ng abiso ang MPD sa mga isasarang kalsada sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Lunes.

Tiniyak naman ng MPD na walang silang natatanggap na banta sa seguridad sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *