Sejong hospital sa South Korea, nasunog, 31 patay

Tatlumpu’t isa ang patay sa nasunog na ospital sa South Korea.

Tinupok ng apoy ang Sejong hospital sa Miryang.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa emergency room ng ospital na karamihan sa mga pasyente ay nakatatanda.

Aabot naman sa 100 ang pasyente sa loob ng pagamutan nang maganap ang sunog.

Maliban sa mga nasawi, aabot pa sa 50 ang nasugatan.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *