Selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo,Maynila kanselado parin

Kanselado parin ang lahat ng aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo sa Maynila bilang pag-iingat dahil sa nagpapatuloy paring banta ng COVID-19.

Sa nilagdaang Executive Order ni Manila Mayor Isko Moreno, nakasaad na bawal ang pagsasagawa ng mga street party, stage show, parada, palarong kalye o iba pang aktibidad patungkol sa Chine New Year mula Enero 31 hanggang Pebrero 1.

Nakasaad rin dito na bawal ang paggamit ng anumang firecracker o pyrotechnics, at mahigpit ring ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa may bahagi ng Binondo China Town area simula sa mga nasabing araw.

Hinikayat naman ng alkalde ang mga Filipino Chinese na narito sa bansa na kahit sa bahay lang muna magdiwang ng kanilang Bagong Taon ay siguruhing magiging maingat parin.

Madz Moratillo

Please follow and like us: