Self-employment Assistance Program, inilunsad sa Baler, Aurora

Tatlompung benepisyaryo mula sa Baler, San Luis, Maria Aurora at Dipaculao, ang napagkalooban ng tulong puhunan mula sa Self Employment Assistance Program (SEAP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, na pinamamahalaan ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD).

Sa maikling mensahe ni Vice Governor Christian M. Noveras, ay pinaalalahanan niya ang mga benepisyaryo na maging masinop upang mapalago ang puhunan na inaasahang mag aangat sa kanilang estado.

Mas malaking halaga anya ang nakatakdang ipahiram, sakaling ang paunang puhunang ibinigay ay unti-unti nang maibalik sa mga nangasiwa ng programa.

Ulat ni Pauline Marie Villamar

Please follow and like us: