Sen. de Lima, pinatitigil sa paninira sa kredibilidad sa Korteng lilitis sa kanyang kaso

Pinayuhan ni Oriental Mindoro  Congressman Reynaldo Umali ang kampo ni Senadora Leila de Lima na tigilan na ang paninira sa Nuntinlupa RTC na humahawak ng drug case nito.

Ayon  kay Umali, hindi makatutulong sa depensa  ni de Lima ang anumang pagtatangkang siraan ang kredibilidad ng korte.

Mas mabuti aniya na direktang harapin ni de Lima ang kaso at paghandaan ang depensa nito sa halip na pulitikahin pa ang isyu.

Bilang abogado at mambabatas, inaasahan kay de Lima na rerespetuhin nito ang korte pati ang mga proseso nito.

Giit pa ni Umali,  para sa interes ni de Lima kailangang ibase ang depensa nito sa legal na basehan at hindi sa reklamo sa korte.

Isa sa mga inireklamo ng kampo ni de Lima ay ang kawalan ng hurisdiksiyon ng RTC na hawakan ang kanyang kaso.

Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: