Sen. Trillanes hinamon ang Malacanang na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes ang legal adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang umano’y planong pagsasampa ng inciting to sedition dahil sa pag-atake laban sa Pangulo.

Ayon kay Trillanes hindi siya natatakot sa banta ni Atty. Salvador Panelo na tinawag nitong threats of prosecution.

Iginiit naman ni Trillanes na may basehan ang kaniyang mga alegasyon laban sa Pangulo hinggil sa umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon at utos umanong pagpatay sa mga drug addict.

Nauna nang inakusahan ni Trillanes si Pangulong Duterte na may itinatago umanong ₱2B sa kanyang bank account na hindi idineklara sa kaniyang statement of assets liabilities at networth o SALN.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *