Senado hindi pinupwersa ng Malacanang para palusutin ang appointment ni DENR Sec. Gina Lopez

Hindi pine-pressure ng Malacanang ang Commission on Appointments para palusutin ang kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel Jr., wala siyang natatanggap na tawag, text o anumang instructions mula sa Pangulo para mapabilis ang paglusot ni Lopez sa CA.

Nauna nang sinabi ni Senador Manny Pacquiao, Chairman ng CA  Committee on Environment na sumasakit na ang ulo nia sa dami ng reklamo at oposisyon laban sa kalihim.

Sinabi ni Pimentel na posibleng sa susunod na linggo maisalang na sa CA si Lopez.

Nauna nang naunsyami ang pagdinig sa kanyang kumpirmasyon dahil sa nangyaring reorganisasyon sa Senado.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: