Senado kinilala ang kabayanihan  ng limang rescuers sa Bulacan na namatay sa kasagsasagan ng bagyong Karding

Kinikilala ng Senado ang ipinakitang kabayanihan ng limang rescuer na namatay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding sa San Miguel Bulacan.

Naghain na sina Senador Joel Villanueva, Lito Lapid at Robin Padilla ng resolusyon para bigyan ng posthumous award ang limang tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ay  sina Jerson Resureccion,George Agustin, Troy Justin Agustin, Narciso Calayag Jr. at Marby Bartolome.

Ayon sa mga Senador, kahanga hanga ang ipinakitang katapangan ng mga rescuer lalo na ang kanilang sakripisyo para iligtas ang buhay ng mga kababayang apektado ng bagyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.