Senado, naghihintay pa ng proposal mula sa Malacanang kaugnay ng balak na ipagpaliban ang Barangay at SK elections
Hihintayin muna ng mga Senador ang formal proposal ng Malacanang bago magdesisyon sa isyu ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Sa panayam ng programang Feedback , sinabi ni Senador JV Ejercito na sinusuportahan niya ang war on drugs ng Pangulo, pero kailangan aniyang may malinaw na justification sa pangambang lalabagin nito ang saligang batas.
“Ako ay supportive sa president lalo na yung war against drugs momentum sandali lang pag tumigil ka dyan tignan mo nangyayari sa kalye we are not coning ejk momentum against drug hindi dapat matigil naintindihan ko ang nais mangyari ng Pangulo kasi marami sa brgy officials ay sangkot 40 percent ay mukang hinihinalang sangkot sa illegal drug trade naiintindihan ko bakit kailangang I postponed at kailangang palitan na ang sakin kailangan maayos ang clarification at justification kung paano natin gagawin”. –Sen. Ejercito
Iginiit ni Ejercito, kung siya ang masusunod, nais niyang matuloy na ang eleksyon na ilang beses na ring naipagpaliban dahil sa reporma sa SK.
Bilang isa aniya sa mga author ng SK Reform Act, napapanahon nang ipagpatuloy ang eleksyon dahil matagal na panahon nang walang kinatawan ang mga kabataan.
Sa ngayon, wala pa aniyang naihahaing anumang panukala sa Senado para maipagpaliban ang eleksyon sa Oktubre.