Senado, total lockdown muna hanggang Lunes

Inutos na ni Senate president Juan Miguel Zubiri ang total lockdown sa Senado hanggang lunes .

itoy matapos magpositibo sa COVID- 19 virus ang apat na Senador ngayong linggo kabilang sa mga nagpositive sa virus sina Senador Grace Poe, Joel Villanueva, Nancy Binay at JV Ejercito .

Nagpositive rin sa virus sina Senador Alan Peter Cayetano, Cynthia Villar at Imee Marcos.

Ayon kay Zubiri, inatasan niya na ang Senate secretariat na magsagawa ng disinfection sa lahat ng tanggapan ng mga senador at committee rooms mula bukas hanggang lunes.

Magpapatupad ng total lockdown hanggang lunes at work from home muna ang pansamantalang arrangement dahil marami sa mga staff ay na exposed rin sa mga Senador, babalik ang sesyon sa August 23 martes.

Meanne Corvera

Please follow and like us: