Senador Angara , umapela sa mga hindi bakunado na magpabakuna

Umapila na rin si Senador Sonny Angara sa mga hindi pa bakunado na magpatutok na ng COVID vaccine.

Ayon kay Angara ,nakakabahala na ang report ng DOH na 85 percent ng mga pasyente na may malalang COVID sa mga ospital ang hindi bakunado.

Tiniyak ni Angara na may sapat na suplay ng bakuna at dapat itong samantalahin ng publiko.

Malaking pondo aniya ang ibinuhos dito ng gobyerno kaya nakakalungkot kung hindi ito mapapakinabangan.

Umapila rin ang mambabatas sa publiko na sumunod sa lahat ng health protocols, patuloy na pag-ingatan ang sarili tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask kung lalabas ng bahay.

Meanne Corvera

Please follow and like us: