Senador Bong Go, handang magsakripisyo

Muling nagpahiwatig si Senador Bong Go na handa siyang magsakripisyo at pinag-iisipan ang desisyon na iurong ang Presidential bid kung makabubuti ito sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni Go na ipinapanalangin niya ang desisyon dahil patuloy aniyang tumututol ang kaniyang katawan, puso at isip na baka hindi niya pa umano panahon at wala sa kaniyang ambisyon na maging Pangulo.

Nauna nang inamin ni Go na nasa state of shock pa siya at hindi pa matanggap ang desisyon ng Pangulo na isabak siya sa Presidential bid.

Matatandaang nagpahayag din ang PDP-Laban na wala pa silang napag-uusapan sa posibleng pag-atras ni Go.

Kung tuluyang aatras, hindi na ito maaaring palitan dahil tapos na ang period of substitution na itinakda ng Comelec.

Meanne Corvera

Please follow and like us: