Senador Bong Go , inirekomenda sa mga financial manager na pag-aralan ang inaprobahang panukalang batas ng Kamara

Inirekomenda ni Senador Bong Go sa mga financial manager ng Malakanyang na pag-aralan ang inaprobahang panukalang batas ng Kamara na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa panahon ng public health emergency.

Layon nitong makahanap ng sapat na pondo, maiendorso at mairekomenda sa Pangulo ang panukala bilang urgent.

Sa pamamagitan nito ay makakapag-overtime rin ang Senado para pagtibayin ang naturang panukala at ipaglaban ang kapakanan ng mga healthcare workers.

Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on health , kung makakaya naman ng pondo ng gobyerno dapat ibigay ang mga kinakailangang benepisyo sa mga healthcare worker.

Una nang pinagtibay ng House committee on appropriations ang public health emergency benefit for healthworkers act kung saan bibigyan ng dagdag allowances at benepisyo kapag may pandemya tulad ng nararanasang COVID-19

Meanne Corvera

Please follow and like us: