Senador Bong Go, umatras na sa presidential race

Iniatras na ni Senador Bong Go ang kandidatura sa pagka pangulo sa eleksyon sa Mayo.

Ginawa ni Go ang anunsyo kasabay ng paggunita sa ika isandaan at limamput walong anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio .

Labag raw sa kanyang puso, isip at kalooban ito ang ibinigay na dahilan ni Senador Go sa katanungan kung bakit ito umatras sa presidential race.

Ayon kay Go , kahit suportado siya ng ibat-ibang sektor mabigat raw sa kanyang kalooban na ituloy ang pagtakbo bukod pa sa tutol rin ang kaniyang pamilya.

Sinabi pa ni Go , ayaw niya lang biguin ang Pangulo kaya napilitan siyang magwithdraw sa Vice presidential Race at maghain ng COC sa pagkapangulo.

Kinonsulta niya rin ang Pangulo at naiintindihan nito ang kaniyang desisyon.

Nagpasalamat naman si Go sa mga sumusuporta sa kanya at inihayag na kahit hindi tuloy ang pagkandidato , ipagpapatuloy naman raw niya ang pagbibigay serbisyo sa publiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: