Senador Cayetano at Senador Pacquiao nagkainitan sa debate sa isyu ng pagtatatag ng Philippine boxing at Combat sports commission

Muling nagkainitan sa debate sa Senado sina Senador Pia Cayetano at Manny Pacquio.

Tutol kasi si Cayetano sa panukalang magtatag ng Philippine Boxing at Combat Sports Commission na isinusulong ni Pacquiao.

Sa panukala bibigyan ng pensyon at iba pang benepisyo ang mga nagreretirong boksingero at mga atletang nasa combat sports.

Pero giit ni Cayetano, hindi lang naman mga boksingero ang dapat tulungan ng gobyerno.

Punto ni Cayetano , na-iinjure rin naman ang lahat ng mga atleta kaya karapat dapat lang na kasama sa panukala ang ibang sports at hindi lang nakasentro sa boxing gaya ng gusto ni Pacquiao.

Depensa naman ni Pacman, iba ang combat sports gaya ng boxing kumpara sa ibang sports na sinasabi ni Cayetano.

Meanne Corvera

Please follow and like us: