Senador Elect Robin Padilla pinag-aaralan na ang kanyang magiging trabaho sa Senado

Sinimulan na ni Senador Elect Robin Padilla ang pag-aaral bilang paghahanda sa kaniyang magiging trabaho sa Senado.

Sa mga larawang ibinahagi ni Padilla sa kanyang social media account,  binigyan ng briefing si Padilla sa pagdaraos ng plenary session paano ang magiging kondukta at parliamentary procedure sa plenary hall.

Kasama rin sa tinalakay kung sino ang magiging Senate officials at paano ang gagawing pagtatalaga sa kanila sa pwesto.

Inisa- isa rin ang tatlumput anim na mga komite sa Senado.

Pinag -aralan rin ni Padilla paano ang legislative process mula sa paghahain ng panukala, pagtalakay sa committee level at proseso  hanggang sa ito ay maging ganap na batas.

Mismong mga opisyal ng kaniyang partido na PDP laban ang nagbigay ng briefing kay Padilla.

Kabilang na sina PDP laban President Alfonso Cusi, Cabinet secretary Melvin Matibag at Civil service chair Karlo Alexie Nograles.

Nasa larawan rin ang matalik na kaibigan ni Padilla na si Senador Christopher Bong Go .

Meanne Corvera

Please follow and like us: