Senador JV Ejercito, bukas sa iniaalok na posisyon sa gobyerno ng Pangulo

Hindi tatanggihan ni Senador JV Ejercito kung bibigyan sya ng posisyon sa gabinete ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang bigyan ng Cabinet post si Ejercito pagkatapos ng isang taong election ban.

Ayon kay Ejercito, isang malaking karangalan na nakita ng Pangulo ang kanyang talento.

Hindi niya aniya tatanggihan anuman ang ibibigay na trabaho sa kanya pero mas gusto niyang magagamit ang kanyang kaalaman at expertise.

Pagkatapos ng kaniyang trabaho sa Senado sa June 30, plano muna ni Ejerctio na magpahinga kasama ang kaniyang pamilya at mag-ikot sa mga taong nagbigay sa kanya ng suporta.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *