Senador Lacson , babaguhin ang kanyang campaign slogan

Babaguhin ni Presidential candidate Ping Lacson ang ilang mensahe sa pangangampanya.

Batay raw kasi sa kanilang nakukuhang impormasyon, marami ang naniniwalang siya ang mas kwalipikado sa mga tumatakbong pangulo pero nag-aalinlangan pa rin kung siya ba ay mananalo .

Kasama sa kanilang babaguhin ang kanyang slogan na We need a leader na ginawa para sa kanya ng partidong reporma.

Inamin ni Lacson na kahit kumalas na sa reporma hindi naman sila nagkakaproblema sa pondo at makinarya at kaya pang itawid ang kampanya hanggang Mayo.

Sa ngayon ay hindi na raw siya umaasa sa suporta ng local political leaders.

Napanood din naman daw ng mga tao ang kanyang mga interview, plataporma at debate na para sa kanya lumabas doon ang kanyang kakayahan at karanasan na maging lider.

Ayon naman sa kaniyang katandem na si Senate president Vicente Sotto walang nagbago sa kanilang kampanya kahit wala na sa reporma si Lacson.

Katunayan, may mga nakaschedule nga raw silang dadaluhang proclamation meetings at dialogues.

Maghihiwalay lang daw sila ni Lacson kung may mga proclamation rally na isa lang sa kanila ang kapartido.

Meanne Corvera

Please follow and like us: