Senador Pacquiao, walang balak itigil ang political rally at motorcade

Wala pang balak si Senador at presidential aspirant Manny Pacquiao na itigil ang pagsasagawa ng mga political rally at motorcade.

Sa kabila ito ng pakiusap ng Commission on elections at Department of health na itigil muna ang mga ganitong pagtitipon sa pangambang pagmulan ito ng pagkalat ng virus.

Ayon kay Pacquiao , wala pa namang opisyal na pahayag hinggil dito ang inter agency task force at hindi pa naman pinagbabawalan ang mga kandidato.

Ganito rin naman aniya ang ginagawa ng kanyang mga kapwa kandidato na nag-iikot at nagpapakilala kahit wala pa ang kampanya.

Iginiit pa ni Pacquiao na hindi vote buying ang ginagawa niyang pamimigay ng pera dahil galing ito sa kanyang sariling bulsa.

Depensa pa ng Senador 2002 pa siya nag -iikot at nagbibigay ng tulong pero pero ngayon lang naha-highlight dahil kumakandidato siyang pangulo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: