Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nagpapagaling na sa ospital matapos magpositibo sa Covid-19

Naconfine sa ospital si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos lumala ang kaniyang ubo,sipon at lagnat dahil sa Covid-19.

Ayon sa Senador, dinala siya sa ospital, hatinggabi ng November 23 para mamonitor ang kaniyang sitwasyon.

Pero ayon kay Dela Rosa, bumubuti na ang kaniyang sitwasyon at maaari nang makalabas ng ospital.

November 21, nang i-anunsyo ni Dela Rosa na positive siya sa Covid-19 matapos dumalo sa budget hearing sa Senado.

Si Dela Rosa na ang ika-limang Senador na nagpositibo sa Covid-19 matapos sina Senador Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Koko Pimentel at Ramon “Bong” Revilla.

Meanne Corvera

Please follow and like us: