Senador Ronald dela Rosa, nakipagpulong kay Davao city Mayor Sarah Duterte

Nagpost si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng isang larawan niya kasama si Davao city Mayor Sarah Duterte.

Sa caption, sinabi ng Senador na teaser ito ng meeting niya sa alkalde na nangyari sa Davao city hall.

Tumanggi naman siyang magbigay ng iba pang impormasyon kung ano ang kanilang napag- usapan.

Pero sa text messages, sinabi ni Dela Rosa na pinaalalahanan niya ang alkalde na nalalapit na ang November 15, ang deadline para sa substitution ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Nauna nang iginiit ni Dela Rosa na hindi siya panakip-butas lang ng PDP-Laban bilang standard bearer sa eleksyon pero inamin nito na handa siyang mag-give way kay Mayor Sarah kung magde-desisyon itong sumabak sa Presidential elections.

Hanggang November 15 ang itinakda ng Commission on Elections para sa mga partido kung papalitan pa ang kanilang mga pambato sa eleksiyon sakaling mag-withdraw ang kanilang mga kandidato.

Meanne Corvera

Please follow and like us: