Senador Sonny Angara nakalikom ng 3 milyong pisong pondo para sa PGH sa kanyang 50th birthday fund raising celebration

Dumepensa ang kampo ni Senador Sonny Angara sa pagdaraos ng ika-50 Kaarawan ng Senador na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos, mga Senador at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon sa kaniyang Communications Director na si Dennis Legaspi, hindi ordinaryong birthday party ang ginawa ng Senador kundi isang fund raising campaign para sa mga mahihirap na pasyente ng Philippine General Hospital.

Sa halip na mga regalo, hiniling sa mga inimbitahang bisita na magdonate na lamang ng halaga.

Katunayan, nakalikom aniya sila ng mahigit tatlong milyong piso na napunta sa PGH foundation para panggamot sa mga pasyante.

Nauna nang inulan ng batikos ang pagkakantahan ng mga kapwa Senador ni Angara kasama pa ang pangulo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: