Senador Trillanes naglabas ng mga ebidensya para pabulaanan na wala syang kinalaman sa umanoy ouster plot laban sa Duterte administration.

Naglabas na ng kaniyang mga ebidensya si Senador Antonio Trillanes para pabualaanan ang naunang statement ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na isa sya sa pasimuno ng ouster plot laban sa Duterte administration at umanoy nasa likod ng  paglalabas ng video na pinamagatang ang totoong Narcolist. Kasama sa mga iprinisinta ni Trillanes ang palitan ng text messages ni alyas Bikoy sa mga pari kung saan inalok nito ang mga hawak na impormasyon laban sa pamilya Duterte. Sa text messages, malinaw aniya na hindi nya binayaran o ng mga pari si Bikoy para subuan ng mga impormasyon at wasakin si Duterte. Sinabi ni Trillanes na ang pattern ng text messages ni Bikoy ay tulad rin ng mga text messages na ipinadala ni Bikoy kay Butch , ang staff ni Senate President Vicente Sotto na nilapitan na nito noon para i alok ang umanoy hawak na mga impormasyon. Bukod sa text messages ipinakita na rin ni Trillanes ang kopya ng notaryadong affidavit ni Bikoy na pinirmahan sa Integrated Bar of the Philippines kung saan sinasabi ni Bikoy na totoo ang alegasyon nya laban sa mga dawit sa illegal drugtrade. Ayon kay Trillanes gagamitin nya ang mga ebidensya ito sakaling ipursige ng PNP o DOJ ang mga kaso laban sa kanya . “Sapat na sa ngayon totoo lahat ang mga sinabi ko sa video na pinamagatang ang totoong Narcolist handa ako humarap sa publiko at hukuman para patunayan ang mga alegasyon ko.” Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *