Senadora Cynthia Villar nangungunang pinakamayaman sa mga Senador
Hindi na lamang si Senadora Cynthia Villar ang nag iisang bilyonaryo sa Senado dahil halos kapantay na nito si Senador Manny Pacquiao.
Gayunman, si Villar pa rin ang naitalang number one sa pinakamayaman batay sa kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.
Sa 2016 SALN, mula sa 3.5 billion noong 2016, umakyat na sa P3.606 billion ang yaman ni Villar hanggang noong December 31, 2016 at wala itong anumang liabilities.
Pangalawa lamang si Pacquaio na may kabuuang assets na ₱3.422 billion pero may pagkakautang na ₱350,595,647 million.
- Sen. Cynthia Villar: P3,606,034,556
- Sen. Manny Pacquiao: P3,072,315,030
- Sen. Ralph Recto: P 522,610,452.59
- Sen. Sonny Angara: P123,949,722
- Sen. Juan Miguel Zubiri: P 121,768,713.77
- Sen. Sherwin Gatchalian: P 92,141, 701.14
- Sen. Grace Poe: P88,480,811.91
- Sen. Franklin Drilon: P 82,482,955
- Sen. JV Ejercito: P 79,130,483.36
- Sen. Richard Gordon: P66,928,851.46
- Sen. Vicente “Tito” Sotto III: P63,800,450
- Sen. Nancy Binay: P 60,483,437
- Sen. Loren Legarda: P40,911,192.90
- Sen.Panfilo Lacson: P38,703,615
- Sen. Bam Aquino: P33,860,702
- Sen. Alan Peter Cayetano: P24,132,490
- Sen. Joel Villanueva: P21,519,770
- Sen. Gregorio Honasan: P21,279,749.74
- Sen. Aquilino Pimentel III: P17,734,400
- Sen. Risa Hontiveros: P16,332,952.70
- Sen. Francis Pangilinan: P9,288,108.84
- Sen. Leila de Lima: P6,617,635.62
- Sen. Francis Escudero: P6,602,082.09
- Sen. Antonio Trillanes IV: P6,506,672.13
Si Senador Antonio Trillanes ang naitalang pinaka mahirap na Senador na may kabuuang assets na P6,506,672.13.
Pero kumpara noong 2015, tumaas pa ng mahigit kalahating milyon ang assets ni Trillanes na umaabot lang sa 5.9 million.
₱16 million ang idineklarang assets ni Trillanes pero meron itong housing, car at personal loan na aabot sa ₱9.5 million pesos.
Ulat ni: Mean Corvera