Senator Bong Revilla nakipagdayalogo sa mga magsasaka sa Pangasinan

Nakipagdayalogo si Senador Ramon ‘Bong” Revilla sa mga magsasaka at mangingisda sa Pangasinan.
Sa gitna ito ng kinakaharap na problema laluna ng mga magsasaka kapag bumubuhos ang suplay ng gulay na nagiging dahilan ng kanilang pagkalugi.

Inihalimbawa ng Senador ang isang tonelada ng bell pepper at isang trak ng kalabasa na itinapon sa kalsada sa Bukidnon, dahil hindi kinuha ng buyer bunsod ng sobra-sobrang suplay.
Ayon kay Revilla, kailangang makahanap ng solusyon ang gobyerno hinggil dito para hindi masayang ang ani, matulungan ang mga magsasaka at masigurong may sapat na suplay ng pagkain sa hapag ng mga pamilyang Pilipino.

Kailangan din aniya ng long-term support sa mga magsasaka, mangingisda at sa kanilang pamilya para masiguro rin ang sapat na suplay ng pagkain.
Matapos ang dayalogo, nag-ikot si Revilla sa lalawigan at ilan dito ay sa mga bayan ng Pozzorubio, Villasis at Alcala.

Meanne Corvera