Senator elect Jinggoy Estrada,nanumpa na sa pwesto

Nanumpa na sa pwesto si Senator elect Jinggoy Estrada .

Si Associate Justice Samuel Gaerlan ang nanguna sa panunumpa ni Estrada na dinaluhan ng kaniyang mga magulang na sina dating Pangulong Joseph Estrada,dating Senador Loi Estrada,  kaniyang mga kapatid at iba pang miyembro ng kaniyang pamilya.

Ayon sa Senador, sa pagbubukas ng 19th Congress muli niyang hahawakan ang Committee on labor para isulong ang karapatan at protektahan ng mga manggagawa.

Sinabi ni Estrada na makikipagdayalogo siya kay Incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma para malaman kung paano pa matutulungan ang mga manggagawa na matinding apektado ngayon ng mataas na presyo ng bilihin at iba pang serbisyo dahil sa oil price increase.

Aminado ang Senador na kailangang dagdagan ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa para makasabay sila sa inflation pero kailangang konsultahin rin ang mga employer.

Pag- aaralan rin ng Senador na muling isulong ang panukalang wakasan na ang Contractualization o Endo bill.

Meanne Corvera

Please follow and like us: