Service dog, tumutulong sa pag-grocery

              photo credit: dailymail.uk.co

Si “Colt” na isang Weimaraner/English Labrador service dog ay tumutulong sa kaniyang among si Janaye Kearns sa pang-araw-araw nitong buhay lalu na sa paggo-grocery.

Tinutulungan ni Colt si Kearns sa pagkuha ng mga items, lalu na yung mga bagay na hindi kayang abutin ng kaniyang amo at inilalagay niya ito sa basket o grocery cart.

Malaki rin ang naitutulong ni Colt kay Kearns maging sa loob ng bahay.

Dalawang taong sumailalim sa training si Colt para tulungan si Kearns na dumaranas ng seizures sa pamamagitan ng pagkuha ng mga gamot nito o items sa paghingi ng tulong kung may emergency at pagharang sa ulo nito para hindi tumama sa sahig kapag ito ay inaatake.

 

==============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *