Serye ng mga pagsabog sa Cotabato at Maguindanao, iimbestigahan ng NBI

Papaimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang serye ng pagsabog sa Cotabato city at Maguindanao noong linggo.

Sinabi ni Justice secretary Menardo Guevarra na agad niyang aatasan ang NBI na siyasatin ang pangyayari para hindi masira o mawala ang mga ebidensya sa mga lugar ng insidente.

Sugatan sa mga hiwalay na pambobomba sa Cotabato city, Libungan, North Cotabato at North Upi, Maguindanao ang ilang mga sundalo at sibilyan.

Ayon sa militar, maaaring ang BIFF at Dawlah Islamiyah ang mga nasa likod ng pagpapasabog.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: