SJDM, Bulacan, nakapagtala ng bagong 25 recoveries mula sa Covid-19

Naragdagan ng panibagong 25 na mga gumaling sa Covid-19 ang Pamahalaang Panglunsod ng San Jose del Monte sa Bulacan.

Dahil dito, batay sa datos ng City Health office, umakyat na sa 2,821 ang mga nakakarekober sa Covid-19.

Gayunman, may bago 20 namang naragdag sa mga kaso ng Covid-19 sa lunsod kaya pumalo na sa 3,946 ang kabuuang kaso.

Pero sa bilang na ito ay 944 ang aktibong kaso.

Habang may dalawang bagong pumanaw dahil sa sakit kaya nasa 181 na ang death toll sa lunsod dahil sa virus infection.

Ang mga pumanaw na pasyente ay mula sa Barangay Muzon at Barangay San Pedro.

Nananatili naman sa tatlo ang mga Barangay na naideklarang Barangay with no active cases.

Ces Rodil, EBC Correspondent

Please follow and like us: