Sheriff Manimbayan Abas, itinalaga bilang bagong Comelec chairman

 

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Officer-in-charge Sheriff Manimbayan Abas bilang bagong Chairman ng Commission on Elections o Comelec.

Si Abas ang papalit kay dating Comelec chairman Andres Bautista na nagbitiw sa puwesto noong October 23, 2017.

Magugunitang nagbitiw si Bautista sa puwesto kasunod ng problema sa pamilya.

Magtatapos ang termino ni Abas sa February 2, 2022.

Ang appointment ni Abas ay dadaan sa makapangyarihang Commission on Appointment o CA para sa kumpirmasyon.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *