Shooting incident sa Ateneo de Manila University, Kinundena ni VP Duterte

Kinundena ni Vice president at Education Secretary Sara Duterte ang nangyaring shooting incident sa loob ng Ateneo de Manila University na ikinamatay ni dating Lamitan city Mayor Rosita Furigay at dalawang security guard.

Ayon kay Duterte, walang puwang sa lipunan ang anumang karahasan lalo na sa eskwelahan.

Sinabi ng kalihim ang mga eskwelahan dapat ang pinakaligtas na lugar lalo na sa mga estudyante.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Duterte sa pamilya ng mga biktima.

Kasabay nito hinimok ng pangalawang Pangulo ang PNP na agad resolbahin ang nangyaring gun violence at magpatupad ng mas mahigpit na operasyon laban sa mga illegal firearms.

Meanne Corvera

Please follow and like us: