UP Shopping center sa Diliman campus, nasunog

Nasunog kaninang umaga ang UP Shopping center sa loob ng University of the Philippines o UP-Diliman, Quezon City.

Ang sunog ay nagsimula kaninang alas-7:50 ng umaga at itinaas sa ikalawang alarma.

Idineklara naman na under control na ang sunog akas-8:20 ng umaga.

Ang UP Shopping center ay isa sa mga establisimyento sa loob ng UP Campus na itinuturing na institusyon na at makasaysayan.

Matatagpuan sa shopping center ang iba pang mga food stall, computer shop, barber shop at photocopying centers.

Aabot naman sa 30 stalls ang tinupok ng apoy.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *