Shortlist para sa susunod na Punong Mahistrado, isusumite na ngayong araw sa Malacañang

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist para sa pagka- Punong Mahistrado.

Pasok sa mga nominado sina Supreme Court Associate Justices Alexander Gesmundo, Ramon Paul Hernando, at Estela Perlas-Bernabe.

Ang nasabing tatlong Justices ang tangi lang din na naghain ng aplikasyon para sa posisyon ng Chief Justice.

Una na ring sumalang sa online public interview ng JBC ang tatlong mahistrado.

Ayon kay JBC member at Justice Secretary Menardo Guevarra, ngayong Martes ng umaga isusumite ng JBC sa Malacañang ang listahan ng mga nominado.

May 90 araw si Pangulong Rodrigo Duterte mula nang mabakante ang pwesto para pumili ng susunod na Punong Mahistrado.

Ang sinumang mapipili sa tatlo ay ang papalit kay Chief Justice Diosdado Peralta na magreretiro sa March 27.

Moira Encina

Please follow and like us: