Shortlists para sa mga bakanteng puwesto sa CA at CTA, naisumite na ng JBC kay PBBM

Tatlong mahistrado mula sa Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals (CTA) ang magiging kauna-unahang appointees ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos na matanggap na ng Malacañang ang isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) na shortlists ng mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa CA at CTA.

Dalawa sa itatalagang mahistrado ni Marcos ay sa CA para sa binakante ng mga nagretirong sina Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello.

Kabuuang 13 ang kandidato para sa parehong posisyon ang kasama sa shortlist.

Isa naman ang hihirangin ni Marcos sa CTA para sa puwesto ng nagretirong si Associate Justice Juanito Castañeda.

Umabot naman sa 10 ang nominado para sa CTA post.

Moira Encina

Please follow and like us: