Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Agosto

Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco.

Simula ngayong Agosto, babawasan ng Meralco ng bente uno sentimos ang kada kilowatt hour ng singil sa kuryente.

Kaya ang mga costumer na kumukunsumo ng 200 kilowatt- hour kada buwan, maaaring mabawasan ng 42 pesos ang kanilang monthly bill.

Ang mga kumukunsumo naman ng 300 kilowatt hour maaaring umabot sa 65 pesos ang mababawas sa singil habang 117 pesos para sa consumers na aabot sa 500 kilowatt- hour ang nakokonsumo.

Sinabi ni Joe Zaldarriaga Head ng Corporate Communication ng Meralco na dulot ito ng pagbaba ng singil sa generation charge dahil naman sa pagbabawas ng ipinapataw na singil mula sa mga power supply agreement.

Meanne Corvera

Please follow and like us: