Singil sa kuryente ng Meralco, muling tataas ngayong buwan

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ng 2 sentimo per kilowatt hour ang magiging dagdag singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Ayon sa Meralco, nasa P5.66 ang dagdag singil sa mga kumokonsumo ng 200 kWh; P8.49 sa mga customers na kumokonsumo ng 300 kWh; P14.15 naman sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

Ang panibagong pagtaas na ito ay dahil umano sa mataas na generation charge.

Ito na ang ika-pitong magkakasunod na buwan na pagtaas sa singil ng Meralco.

Samantala, inanunsyo naman ng Electric company na nananatiling suspendido ang kanilang disconnection service sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at mga nasa ilalim ng granular lockdown.

Please follow and like us: