Singil sa kuryente ngayong Agosto, bababa

 Bababa ang singil sa kuryente ngayong Agosto.

Sa abiso ng Meralco, bababa ng 20 centavos ang singil kada kilowat hour ngayong August billing.

Dulot ito ng mas mababang generation charge  at mas mababang singil sa spot market sa nakalipas na limang buwan

Sa computations ng Meralco, aabot sa. 41 pesos ang maaring mabawas sa mga consumers na gumagamit ng 200 kilowatt hour kada buwan habang mahigit 100 pesos sa mga consumers na may 500 kilowatt hour.

Ito na ang ika-limang beses na nagbawas ng singil ang Meralco sa nakalipas na limang buwan.

 

============

Please follow and like us: