Sinibak na DILG Secretary Mike Sueno pinagalitan at minura ni Pang. Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagalit at namura niya si DILG Secretary Mike Sueno sa kanilang Cabinet meeting kung saan niya tinanggal ang kalihim sa pwesto.

Sinabi ng Pangulo iniwasan niyang magkapahiyaan sila pero nang mabasa ang legal opinion ng kanyang tanggapan at posisyon ni Sueno na nagsasabing hindi niya nabasa ang legal opinion ng DILG legal office hindi na siya nakapagpigil.

Ayon sa Pangulo kung ganito ang isasagot sa kanya ng opisyal, posibleng nagpapalusot lamang ito ng aniya’y ‘stupid and idiot reasoning’ o sadyang sagarang pagsisinungaling.

Inihayag ng Pangulo na may kinalaman talaga sa korupsyon ang pagtanggal niya kay Sueno sa DILG at hindi siya naniwala sa depensa ng kalihim.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: