Site Harry isolation area sa Bilibid gagamiting quarantine ward para sa mga Covid positive PDLs na nasa kustodiya ng Bureau of Immigration

Lumagda sa memorandum of agreement ang Bureau of Corrections at Bureau of Immigration para sa paggamit ng Site Harry sa New Bilibid Prisons bilang quarantine ward ng mga Covid-19 positives na persons deprived of liberty o PDLs na nasa kustodiya ng BI.

Tatawagin ang temporary isolation area na Bureau of Immigration Ligtas Covid Centre.

Ayon sa BuCor, ang mga PDLs mula sa BI detention facility na mayroong mild hanggang moderate na sintomas ng virus ang ilalagay sa nasabing pasilidad.

Kumpleto ang quarantine area ng mga gamit gaya ng mga kama, personal hygiene kits at iba pang kagamitan para sa mga pasyente.

Dinaluhan ang hand over ceremony ng mga opisyal mula sa DOJ, BI, Bucor, at International Committee for the Red Cross.

Nagpasalamat ang BI sa BuCor sa pagpapagamit sa kanila ng pasilidad.

Moira Encina

Please follow and like us: