Sitwasyon sa Bohol, balik normal na matapos ang engkwentro ng militar at ASG

Balik normal na ang sitwasyon sa Bohol kasunod ng mainit na engkuwentro ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Inabanga.

Ito ang tiniyak ni Major General Jon Aying, ang commanding officer ng Third Infantry Division ng Philippine Army, na nagbabantay ng kapayapaan at seguridad sa Visayas.

Sinabi ni Major General Aying na “business as usual” na sa Bohol at normal na uli ang pagbabantay ng militar.

Aniya, nagkamali ang ASG sa pag-aakalang hindi natunugan ng militar ang kanilang pagkilos mula Mindanao papuntang Visayas dahil bago pa man ang pangyayari ay natiktikan at napag-aralan na ito ng mga tropa ng pamahalaan.

 

Please follow and like us: