Siyam na high-profile inmates sa Bilibid na kwestyunableng inilipat sa medium security compoud naibalik na sa Building 14

Naibalik na sa building 14 sa New Bilibid Prisons ang ilang high profile inmate kabilang si Jaybee Sebastian na kwestyunableng inilipat sa medium security compound.

Sa ulat na natanggap ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, kaninang umaga ay nailipat na sa building 14 mula sa medium security compound ang siyam na VIP inmates.

Ang mga ito ay sina Sebastian na inilagay sa isang selda sa Block Alpha.

Malayo siya sa Block Charlie kung saan inilipat ang walong iba pa na sina Rico Caja, Joel Capones at Jojo Baligad na nasa cell 23; sa cell 24 naman ikinulong sina Benjamin Marcelo at Sam Lee Chua ; sa cell 25 sina Hanz Anton Tan, Che Kit Chua at sa cell 26 sina Peter Co at Vicente Sy.

Itinuloy ang paglilipat sa kanila sa kabila nang sinasabing banta  ng ilan sa mga ito na babawiin ang kanilang naging testimonya laban kay Senador Leila de Lima ukol sa pagkakasangkot nito sa transaksyon ng iligal na droga sa bilibid.

Una nang sinabi ni Aguirre na may nagpapakalat lamang ng maling impormasyon ukol sa pag-atras ng ilang high profile inmate  para sirain ang mga testimonya laban kay de Lima.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *