Speakership bid ni Leyte Rep. Martin Romualdez, susuportahan ng NPC

Susuportahan ng Nationalist People’s Coalition(NPC) ang speakership bid ni Leyte Representative Martin Romualdez sa pagbubukas ng 19th Congress.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III na siyang Chairman ng NPC, batay na rin ito sa ginawa nilang konsultasyon sa mga lider ng Kamara at miyembro ng partido.

Ang NPC ang ikalawa sa pinakamalaking political party sa bansa dahil sa dami ng mga miyembro nito na nakaupo sa puwesto at maluluklok sa June 30.

Sa Mababang Kapulungan, 39 na miyembro ng NPC ang mapapabilang sa 19th Congress.

Sa isang manifesto ng pagsuporta, sinabi ng NPC na naniniwala silang maisusulong ni Romualdez ang unity sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Napakahalaga rin anila ang papel ng susunod na Speaker para lumusot ang mga mahahalagang panukala at reporma na isusulong ng Marcos administration.

Meanne Corvera

Please follow and like us: