‘Spider-Man’ nasa ika-6 na puwesto sa all-time box office list

Nasa ika-6 na puwesto sa all-time global box office list ang ‘Spider-Man: No Way Home” matapos muling manguna sa North American theaters nitong weekend.

Kumita ito ng tinatayang $14.1 million sa Estados Unidos at Canada, matapos pansamantalang bumaba mula sa pagiging top 1 noong isang linggo.

Namalagi naman sa ika-5 puwesto sa loob ng magkasunod na 2 linggo ang spy action comedy na “The King’s Man” mula sa 20th Century na kumita ng $1.8 million.

Pang-apat ang romance drama ng Universal na “Redeeming Love” na kumita ng $3.7 million.

Ang “Sing 2” na isang animated musical ng Universal pa rin at kinatatampukan ng boses ng mga sikat na artista gaya nina Reese Witherspoon, Scarlett Johansson, Matthew McConaughey, Pharell Williams at Bono, ay pumangatlo na may kitang $5.7 million.

Ang latest installment ng Paramount sa “Scream” horror franchise na kumita ng #12.4 million ang nasa ikalawang puwesto.

Please follow and like us: